Dalawang katao ang sugatan nang sumiklab ang isang sunog sa Tondo, Manila nitong Huwebes ng tanghali.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Maynila, ang biktimang si Klarita Pascua, 57, ay nagtamo ng minor burn sa kanyang kaliwang kamay habang si Geral Villanueva, 33, ay nagtamo naman ng laserasyon sa kanyang kanang braso.
Ayon sa BFP, dakong alas-12:40 ng tanghali nang maganap ang sunog sa isang residential area sa Capulong St., Tondo, Manila.
Umabot ang sunog ng ikalawang alarma bago tulungang naideklarang under control dakong ala-1:30 ng tanghali.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nagdedeklara ng fireout ang mga pamatay sunog.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng sunog, gayundin ang bilang ng mga tahanan at halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy. (Carl Angelo)














