2 snatcher, arestado

Arestado ang dalawang snatcher na nagtangkang hablutin ang gintong hikaw ng isang babae sa loob ng isang pampasaherong jeep sa may panulukan ng Taft Avenue at Ayala Avenue,Ermita,Maynila.

Nakadetine sa Manila Police District- District Tactical Motorized Unit (DTMU) ang mga suspek na sina Jimboy Gasang, 28 , tricycle driver, at taga
Oscares St. Quiapo Maynila ; at Lucas Bornillo y Talisterio, 25, vendor, at taga Dos Castillejos St.cor Arlegue, Quiapo.


Sa imbestigasyon,alas- 11:45 ng umaga habang nakasakay ang biktimang si Evalor Dayo y Salipante, 58, at taga-Conception 1, Bgy. Concepcion, Marikina City nang biglang hablutin ng mga suspek na noon ay nakasabit sa jeep ang kanyang gintong hikaw na nagkakahalaga ng P17,000.

Nakita umano ng nagpapatrulyang sina Pat Daryl Lyle Cacanindin at PSSg Lester Moretcho at PCpl Normal Bart na nakasakay sa Mobile Car ang komosyon kaya hinabol ang mga snatcher.

Naaresto ang dalawang suspek at nabawi ang hikaw na ginto ng biktima.


Nahaharap sa kasong theft thru snatching ang 2 suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District- District Tactical Motorized Unit (DTMU)

You May Also Like