Latest News

2 sa 3 suspek sa pagpatay kay Degamo, balak ng DOJ na ilagay sa WPP

Pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) kung maaring ilagay sa Witness Protection Program (WPP) ang dalawa sa tatlong suspek na naaresto sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“Yung dalawa po doon sa… nahuli po no na respondents po natin dito sa murder case ni Governor Degamo ay tinitignan po ng DOJ kung pwede sila ipapasok sa witness protection program,” ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano.

“So we will see throughout the day after the evaluation nung mga statements nila kung talagang pwede na silang ipasok sa witness protection program ng DOJ,”dagdag ni Clavano.


Una nang naaresto ng Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Army ang dating sundalo ng Army na si Joric Labrador,50; Army Ranger Joven Aber,42 at Benjie Rodriguez,45, sa isinagawang hot pursuit operation sa Bayawan City.

Isa naman sa suspek ang nasawi sa encounter sa pagitan ng mga awtoridad.

Sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Ty na nakikipag-ugnayan ang DOJ sa PNP at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa paglilipat sa mga suspek sa National Capital Region (NCR).

Samantala, sinabi ni Interior secretary Benhur Abalos na isinampa na ang kasong murder laban sa mga suspek sa Provincial Prosecutor ng Dumaguete.


Sinampahan rin ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 ang mga suspek sa Office of the City Prosecutor ng Bayawan.

“So we anticipate that a resolution, an inquest resolution will be released within the day,” ayon kay Ty.

Sinabi rin ni Abalos na tinitingnan nila ang lahat ng anggulo sa kaso.

Hinikayat rin ni Abalos ang iba pang mga suspek na sumuko na sa mga awtoridad.


“Alam niyo yung mga kasangkot dito, unang- una, ako ay nanawagan sa inyo. Nahuli na yung mga kasama ninyo. Kung ako sa inyo, it’s better for you to surrender dahil bukod sa nahuli na, meron pang mga pabuyang lumalabas para sa inyo,” ani Abalos. (Baby Cuevas)

Tags:

You May Also Like

Most Read