2 POLICE CAPTAIN, ISANG ABOGADO, PATAY SA BARILAN

By: Victor Baldemor Ruiz

AWAY sa lupa o personal na alitan ang sinisilip na motibo sa malagim na barilan na naganap sa loob ng isang subdivision sa Tagaytay City na ikinamatay ng dalawang Kapitan ng Philippine National Police at isang abogado.

Sa inisyal na ulat, patay ang dalawang opisyal ng PNP matapos na pagbabarilin ng isang abogado na nasawi rin sa naganap na encounter sa isang subdivision sa Barangay Maitim 2nd Central Tagaytay City nitong Linggo.


Ipinag-utos na ni Police Regional Office (PRO) Calabarzon Regional Director Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang malalimang imbestigasyon ukol sa nasabing encounter.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Police Captain Adrian Binalay ng CIDG-NCR at Police Captain Tomas Ganio Batarao Jr, ng Calamba City Police Station, under PRO-4A Regional Personnel Holding and Accounting Section at ang suspek na abogado na kinilalang si Atty. Dennis Santos.

Sinasabing nagtungo ang dalawang pulis at ang mga kasama nilang sibilyan sa Prime Peak Subdivision para magtanong tungkol sa kanilang bibilhing lote dakong alas- 2:00 ng hapon.


May ulat na sinasabing pinigilan sila ng guwardya ng subdivision na makapasok sa hindi malamang kadahilanan, subalit nagpumilit ang mga itong makapasok.

Pagpasok ng grupo sa subdivision, bigla na lamang umano silang pinaputukan ng abogado mula sa kanyang kotse.


Nagawang makaganti ng putok ang mga pulis at nahagip din ang lawyer.

Dead-on-the spot si Captain Binalay, samantalang isinugod pa sa ospital sina PCPT Batarao at ang suspek, subalit parehong idineklarang dead-on-arrival ang mga ito.


Dalawa pa sa mga kasama ng suspek ang tinamaan din at naaresto ng mga awtoridad sa isang ospital sa Tagaytay, na kinilalang sina Elver Mabuti at Benedicto Hebron, na umano’y retiradong sheriff.

Nabatid na residente sa nasabing subdibisyon si Atty Santos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na away sa lupa umano ang hinihinalang motibo ng pamamaril.



Tags: olice Regional Office (PRO) Calabarzon Regional Director Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas

You May Also Like