Dalawang Filipino crew member ng M/V San Antonio ang ligtas na naiuwi kahapon ng madaling araw at lumapag sa NAIA Terminal 3 sakay ng Emirates flight EK330.
Ayon sa DMW, ang mga marino ay sinamahan ng dalawang medical professionals at isang kinatawan mula sa kanilang manning agency upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa kanilang paglalakbay pabalik sa Pilipinas. Agad silang dinala sa Manila Doctors’ Hospital upang tumanggap ng karagdagang paggamot at pangangalaga, bukod pa sa tulong pinansyal.
Ang repatriation na ito ay kasunod ng naunang pagpapauwi ng dalawa pang tripulante sa pamamagitan ng DMW, habang patuloy na mino-monitor at hinihintay ang ligtas na pag-uwi sa natitira pang tatlong tripulante ng M/V San Antonio.
Matatandaang pitong Pilipino na crew ang nasugatan habang sakay ng MV San Antonio, matapos tamaan ng land missiles attack kung saan tatlo sa mga ito ang matagal nanatili sa ICU sa isang ospital dahil sa matinding sugat na tinamo sa katawan.














