2 PILOTO NG PAF, NAIBABA NA SA CRASH SITE, PROBE, SINIMULAN NA

By: Victor Baldemor Ruiz

ANIM na oras ang kinailangan ng mga tauhan ng Philippine Army Special Forces para maibaba mula sa crash site ang bangkay ng dawang piloto ng Philippine Air Force na nagsagawa ng midnight air artillery support sa mga tauhan ng Army na tumutugis sa isang grupo ng New People’s Army sa Cabanglasan sa Bukidnon.

Ayon Kay Lt. Col. Francisco Garello, ‘successfully extracted na po sila, around midnight, around 1 am nailabas na po sila from crash site going to pickup point sa munisipyo ng Pangantucan, Bukidnon. from there, the cadavers were transported through a military vehicle going to Barangay Lumbia, Cagayan de Oro .’

Ayaw pa rin gopisyal na kilalanin ng pamunuan ng PAF ang mga nasawing piloto na napag -alamang isasalang muna sa forensic investigation ng AFP, bagama’t una nang kinilala ng Philippine National Police ang mga nasawing sundalo na sina Major Salang-oy at 1Lt. April John Dadulla na kapwa nakatakdang bigyang parangal ng PAF oras na madala sa PAF Headquarters sa Villamor Air Base Ang kanilang mga labi.


Inihayag naman kahapon ni PAF Spokesperson Col. Bon Castiilo na nasa crash site na rin ang kanilang mga aviation investigators para pasimulan ang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng kanilang FA-50 fighter jet na ikinamatay ng dalawa nilang opisyal.

Agad din umanong ipapasuri ang laman ng flight data recorder ng FA-50 na kanilang na recover sa crash site.

Ilan sa mga sinisilip na dahilan ng sanhi ng pagbagsak ng eroplano ang masamang panahon o ‘environmental factors,’ mechanical factors o posibleng human error bagama’t ginagarantiyahan ng PAF na kapwa bihasa at may sapat na kaalaman ang mga piloto kahit sa night -flying mission.

Magugunita na unang inulat na nawawala ang PAF FA-50 matapos na magsagawa ng air support sa napapalabang ground troops ng Army pasado alas-12 ng hatinggabi sa Bukidnon mula sa Mactan Air Base sa lalawigan ng Cebu.


Tags: Philippine Air Force and Japan Air Self-Defense Force (JASDF)

You May Also Like

Most Read