2 PATAY SA KULIGLLIG, 12 SUGATAN

PATAY ang dalawang katao habang sugatan ang 12 iba pang sakay ng bumaligtad na center car farm equipment (kuliglig) sa Barangay Balasig, Cabagan, Isabela.

Idineklarang dead on the spot ang isa sa mga pasahero na si Rosalyn Agabin at si Solitaria sa pagamautan na nalagutan ng hininga.

Ayon PLt. Romel Aggabao, chief investigator ng Cabagan, Police Station, ang mga magkakamag-anak ay nanggaling sa isang death anniversary sa Fugo, Tumauini, Isabela at papauwi na sila sa Cabagan nang maaksidente.


Ayon sa PNP- Cabagan, patungo ang mga ito sa Barangay Balasig nang nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber na kinilalang si Erwin Datul, dahilan upang bumaligtad ang center car farm equipment at madaganan ang mga sakay nito.

Isinugod naman sa pagamutan ang 12 iba pa kasama na ang driver at mga sakay nito na sina Ethan Dale Gammad, Monsing Datul, Marcelo Agabin, Rodolfo Agabin; Bernardo Laggui, Marita Laggui, Cris mae Mercado; Waldimar Baui; Flordeliza Baui; Rowena Gammad at Leon Patrick Gammad na pawang residente ng San Bernardo, Cabagan, Isabela.


Patuloy na iniimbestigahan ng PNP Cabagan ang naturang aksidente. (VICTOR BALDEMOR)


You May Also Like

Most Read