2 patay, 3 nawawala sa banggaan ng 2 barko sa Corregidor

Dalawang banyagang barko ang nagbanggaan sa Corregidor Island na nag-iwan ng dalawang patay habang tatlo ang nawawala.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Sabado, tumaob ang isa sa mga barko ang MV Hong Hai 189 na may bandera ng Sierra Leone, isang dredger na may 20 crew dulot ng aksidente noong Biyernes.


Sinabi nito na 16 sa 20 crew ang nailigtas at ang mga bangkay crew member ng barko ay natagpuan noong Sabado.

Patuloy pa rin ang search and rescue operations para sa nawawalang mga crew.

Sinabi ng PCG na ligtas ang lahat ng 21 crew ng MT Petite Soeur na may bandera sa Marshall Islands, isang chemical at oil product tanker.


Ayon sa PCG, ang MV Hong Hai ay nagsagawa ng huling port call sa Zambales, habang ang huling port call ng MV Petite Soeur ay sa Bataan.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like