CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang aktibong myembro ng Communist Terrorist Group sa mga sundalo ng 57th Infantry (Masikap) Battalion nitong umaga ng Lunes (February 6, 2023) sa Sitio Upper Balayan, Barangay Basak, Lebak, Sultan Kudarat.
Kinilala ni Lt. Col. Guillermo Mabute Jr, 57IB Commander ang mga sumukong CTG members na sina alyas Mantong at alyas Lalang na nasa hustong gulang at myembro ng GF MUSA, Far South Mindanao Region.
Dagdag pa ni Lt. Col. Mabute, nagkukumahog umano na makabalik sa kanilang tirahan ang dalawa sa Sitio Balayan, Brgy. Basak ng nasabing bayan habang iniwanan nila ang kanilang armas para makaiwas sa patuloy na focused military operation ng kasundalohan laban sa teroristang CTG.
“Said personalities returned home in order to evade pressure from the focused military operations of our troops in the area where GF MUSA operates”, ayun kay Lt. Col. Mabute.
Pinuri naman ni 603rd Infantry (Persuader) Brigade Commander Brig. Gen. Michael Santos ang 57IB sa kanilang masinsinang operasyon at matagumpay na napasuko ang dalawang CTG members.
“I urge every Masikap troopers to continue your endeavour in serving the people of Sultan Kudarat to make the province a safer place to live”, pahayag ni Brig. Gen. Santos.
Inanyayahan naman ni Maj. Gen. Alex Rillera, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central ang natitirang mga myembro ng CTG sa South-Central Mindanao na bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan.
“I am calling to the remaining members of CTGs in the province of Sultan Kudarat, South Cotabato and Sarangani to give peace a chance and be able to live a normal life with your family”, dagdag ni Maj. Gen. Rillera.
Ngayong taon, tatlong CTG members ang naaresto, apat ang nasawi at walo ang nagbalik-loob sa pamahalaan, habang pitong armas at apat na pampasabog ang isinuko habang may walong armas at isang pampasabog ang narekober mula sa mga operasyon ng JTF Central. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)