HINDI pinasakay ng eroplano ang dalawang lalaking pasahero na patungo sana ng Los Angeles, Huwebes ng umaga matapos nilang magsapakan sa loob mismo ng departure area.
Sa isang video na kuha ng isang pasahero din, nakita ang dalawa na hindi na kinilala pa, na kapwa nakahiga sa sahig, kung saan chino-choke ng isa ang kalaban niya.
Mabilis namang rumesponde ang mga airport authorities mula sa PNP, Airport Police at Office for Transportation Security (OTS) upang awatin ang away, ngunit bago tumayo at matapos maalis sa pagkaka-choke ay sumuntok pa ang huli.
Napag-alaman na naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa departure area ng NAIA Terminal 1 final x-ray area.
Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng away at kung sino ang nagsimula nito.
Kapwa na-offload ang dalawang pasahero ng Philippine Airlines flignt PR 112 patungong Los Angeles na kapwa US passport holders at nag-direct filing na lamang ng kaso.














