2 PARAK, TIGBAK SA TAMA KIDLAT

By: Victor Baldemor Ruiz

PATAY ang dalawang pulis matapos silang tamaan ng kidlat sa Naujan, Oriental Mindoro, nitong Miyerkules ng gabi.

“Nasawi ang dalawang pulis matapos tamaan ng kidlat sa parking area ng Regional Mobile Force Battalion Headquarters ng [Police Regional Office] 4B sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro,” saad sa inisyal report ng Oriental Mindoro LGU.


Batay sa impormasyon mula sa pulisya, tinamaan umano ng kidlat ang dalawang biktima dakong 10:30 hanggang 11:30 ng gabi.

Nasa labas umano ang dalawang pulis habang nasa kasgsagan ng malakas na buhos ng ulan nang biglang humagupit ang matalim na kidlat.

Dinala ang dalawang pulis sa Mindoro Medical Center pero idineklara silang dead-on-arrival ng doktor, sanhi ng malakas na boltaheng dumaloy sa kanila.


Tags: Police Regional Office 4B

You May Also Like