Latest News

2 opisyal ng NBI na sinibak ni Sen. De Lima, ibinalik ng CA

Ibinalik sa kanilang trabaho ng Court of Appeals (CA) ang dalawang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na una nang tinanggal sa tungkulin ni noon ay Justice Secretary Leila de Lima.

Kasabay nito ,iniutos rin ng CA na kaagad bayaran ang back wages, salaries, mga insentibo at benepisyo nina Deputy Director Reynaldo Esmeralda at Atty. Riel Lasala mula noong Marso 2014.

Nabatid na ipinawalang- bisa ng CA ang kautusan ni De Lima at ang pinal na desisyon ng Office of the President na nagtanggal kina Esmeralda at Lasala sa NBI.

Ayon sa 24-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Mary Charlene V. Hernandez-Azura, sinabi nito na iligal ang pagkakasibak kina Esmeralda at Lasala.

Iniutos rin ng CA ang pagbabalik kay Esmeralda bilang NBI Director III o Deputy Director. habang si Atty. Lasala, alinsunod sa RA 10867, ay hindi mawawala ang seniority rights na tuloy-tuloy na parang hindi siya natatanggal sa tungkulin mula nang siya ay i-dismiss noong Marso 13, 2014 hanggang sa kasalukuyan at habang nakabinbin ang kaniyang apela.

Matatandaan na nasibak ang dalawang opisyal dahil sa isyu ng integridad kung saan inakusahan si Esmeralda at Lasala na nag- tip kay pork barrel mastermind Janet Napoles na siya ay aarestuhin. (Arsenio Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read