DALAWANG kasapi ng Communist NPA Terrorists ang napatay kasunod ng armadong sagupaan ng Philippine Army-803rd Brigade at Regional Guerrilla Unit (RGU) na nasa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC), umaga ng November 5, 2024, sa liblib na bahagi ng Barangay Sulitan, Catubig sa Northern Samar.
Sumiklab ang sagupaan ng nirespondehan ng militar ang sumbong ng mga local residents hinggil sa nagaganap na pangingikil ng Communist-NPA terrorists sa mga magsasaka sa lugar.
Tumagal ng ilang minuto ang sagupaan bago nagpasyang umatras ang mga kasapi ng CPP-NPA at iwan na lamang ang bangkay ng kanilang mga kasamahan.
Kaugnay nito ay nanawagan naman si Brigadier General Perfecto P. Peñaredondo, Acting Commander ng 8th Infantry Division, sa mga nalalabing kasapi ng Communist Terrorist Group na magsuko na ng kanilang mga sandata at harapin ang alok na pagbabagong-buhay ng pamahalaan.
“The government forces will never cease in the fight to completely eradicate the insurgents in the region. With the help and support of the local chief executives and the community, through the Whole-of-Nation Approach, we will be able to realize the people’s aspirations for attaining socio-economic development in the region,” ani Brigadier General Peñaredondo.
Napag-alamang patuloy ang ginagawang pagtugis ng mga sundalo ng 8th ID sa mga tumakas na NPA kaya patuloy din ang panaka-nakang palitan ng putok sa area.