DALAWANG kasapi ng CPP-New Peoples Army ang napatay ng mga tauhan ng 62nd Infantry “Unifier” Battalion (62IB) ng Philippine Army kasunod ng naganap na sagupaan Brgy Amin, Isabela, Negros Occidental na nag result rin sa pagkaka aresto sa isa pang kasapi ng communist terrorist group.
Patay sa sagupaan ang NPA leader at hitman na kinilalang si Virgilio Marco Tamban aka “BEDAM”, Commanding Officer ng SYP Platoon Lenovo at isang tauhan nito. Habang isa pang ang nadakip.
Sa isinagawang clearing operation sa encounter site ay may nakuhang Granada, at isang kalibre 45 pistola ang mga sundalo. .
Sa record ng mga awtoridad ang grupo ni alyas “BEDAM” ang pangunahing suspek sa pagpatay kina: Jay Maykel Ledesma sa Brgy Macagahay, Moises Padilla nitong March 02; pagpatay kay Crish John Guyha nuong February 28 sa Brgy Luz, Guihulngan City, Negros Oriental; ang brutal na pagpatay kina Lucio at Tony Perater nitong February 16, 2022 sa kanilang bahay sa Brgy Malangsa, Vallehermoso, Negros Oriental; at pagpaslang kay Heide Boca, isang dating CAFGU member nitong February 19 sa Brgy Santol, Binalbagan, Negros Occidental
Pinasalamatan naman ni Major General Benedict M Arevalo, 3rd Infantry (Spearhead) Division Commander commended ang katapangan ng mga lokal na residente sa pagbibigay sa kanilang ng tamang intelligence information .
“The death of aka “Bedam” will serve as justice to innocent civilians that the NPA killed in Negros. We are urging the remaining members of CPP NPA terrorists to surrender while they still have time, or else suffer the same faith of their killed members”, ani MGen Arevalo. (VICTOR BALDEMOR)