2 NASAWING PAF PILOT, INIWAS SA RESIDENTIAL AREA ANG EROPLANO KESA ILIGTAS ANG SARILI

Mas piniling magpakabayani ng dalawang nasawing Philippine Air Force pilots ng nag-crash na Marchetti SF 260 sa Pilar Bataan kaysa mag-bailout o lumundag palabas ng pabagsak na eroplano gamit ang kanilang mga parakayda (parachute) .

Ayon kay Col. Ma. Consuelo Castillo, PAF spokesperson, lumilitaw na mas pinili ng dalawang Air Force captain sa mga huling sandali na pumili ng babagsakan ng eroplano na malayo sa komunidad o residential areas kahit may panahon pa para mag- bailout sila.


“… in the long history of this aircraft in the air force, wala pa pong nag-attempt talaga na mag-bailout during an emergency because trained din ho kasi kami na kapag ho ganitong merong mga emergency na sitwasyon that would warrant an emergency landing, we really have to make sure that the aircraft would land on a clear space para naman po syempre wala rin pong maapektuhan,” ani Col. Castillo.

Nabatid na bagamat walang ejection system tulad ng fighter jets, ang SF 260 ay naka-parachute na ang mga piloto kung may emergency.

‘Pero ang SOP rin po kasi natin talaga is to lead the aircraft to a safe and clear landing zone bago ho talaga mag- last resort na mag- eject ka pa, ani Castillo.


Kasalukuyan nang nasa Villamor Airbase sa Pasay City ang mga labi ng dalawang pilotong nasawi na sina Captain Jhon Paulo Aviso at Captain Ian Gerru Pasinos hinggil sa aksidente.

Tiniyak naman ni Castillo na tinitingnang mabuti ng PAF ang lahat ng posibleng anggulo sa pagbagsak ng SF 260.


Maayos aniyang nai-secure ng mga imbestigador ang crash site para maisalba ang mga bagay na makapagsasabi sa kondisyon ng eroplano bago ito bumagsak kabilang ang black box or flight data recorder. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Philippine Air Force

You May Also Like