Latest News

2 most wanted person para sa non-bailable na kaso, arestado sa malawakang manhunt ng PNP Bicol

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City — Matagumpay na nahuli ng mga kapulisan ng Bicol ang dalawang most wanted person sa probinsya ng Camarines Sur sa isinagawa nitong manhunt operation.

Bandang 9:30 ng umaga sa Brgy. Mambolo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur nang silbihan ng warrant of arrest ng mga tauhan ng Libmanan MPS ang lalaking nag ngangalang Jhon Esmabe y Cañas, 37 anyos. Siya ay may kinakaharap na kasong Estafa.


Samantala, pagsapit ng 1:30 ng hapon, natunton naman ng mga operatiba ng Minalabac MPS sa Brgy. Taban, Minalabac, Camarines Sur ang rank 1 municipal most wanted person na itinago pangalang si “Bernardo”. Ito ay nahaharap sa kasong rape.

Parehong walang nakatakdang piyansa pa sa mga nahuling akusado. Sila ngayon ay nasa kustodiya ng himpilan ng Camarines Sur para sa kaukulang disposisyon.

Puspusan ang isinasagawang manhunt operation ng PNP Bicol sa pamumuno ni PBGen. Mario Reyes. Ito ay sa layuning bigyang saysay ang pag-aantay ng mga biktima para sa katarungan matagal na nilang inaasam. Mas paiigtingin din ng kapulisan ang ugnayan sa komunidad nang mas mapadali ang paghahanap at paghuli ng indibidwal na may nakabinbing kaso at patuloy pa ring malaya. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City

You May Also Like