Latest News

2 miyembro ng Sputnik gang, arestado; P.5-M shabu, kumpiskado

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 9 ang dalawang miyembro ng Sputnik gang habang P.5 milyon shabu naman ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation,kamakalawa ng gabi sa Malate,Maynila.

Nasa kustodiya ngayon ng MPD-PS 9 ang mga suspek na nakilalang sina alyas Raymond Vicente at Billy Halili ,kapwa nasa hustong edad at miyembro ng Sputnik gang.

Ayon kay PLt Col. Salvador Tangdol, station commander ng MPD-PS9 ,alas-.11:40 ng hatinggabi nang maaresto.ang mga suspek sa ikinasang buy -bust operation sa kahabaan ng Mother Ignacia Street.malapit sa Pres.Quirino Avenue sa Malate.


Nagpanggap na buyer ang isang pulis at nang iabot ang marked money ay inaresto na ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 75 gramo ng shabu may street value na P.5 milyon.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecuto’rs Office. (Arsenio Tan)


Tags:

You May Also Like

Most Read