Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District -Police Station 6,ang dalawang miyembro ng Mercado drug group sa isinagawang buy bust operation, kahapon ng madaling araw sa may Sampaguita St.,Sta.Ana, Maynila.
Nasa kustodiya ng MPD-PS6 ang mga suspek na sina Mark Anthony,35 at taga 2525 Pasigline St., Sta. Ana; at Eranio Panal,48 at taga Blk 19, Lot 21, Eloriaga St., Sta. Ana, Maynila at kapwa miyembro ng Mercado drug group.
Isinagawa ang buy bust operation,alas 12:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.
Nakumpiska sa mga suspek,ang apat na sachet ng shabu na tumitimbang ng 2 gramo na nagkakahalaga ng P13,600 at P200 marked money.
Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 Article II Section 5 (Selling of Dangerous Drugs) at 11 (Possession of Dangerous Drugs)sa Manila Prosecutors Office, ang mga suspek.














