2 milyon COVID-19 vaccines, mage-expire sa June 30

Aabot sa may 2 milyon COVID-19 vaccine ang nakatakdang mag-expire sa darating na Hunyo 30.

Gayunman,sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na hindi pa pinal ang naturang bilang.


“Sa ating expiring na vaccine, we will have the final numbers by end of May. But hanggang June we are expecting kung hindi ma-jab almost 2 million kung hindi magamit by end of June,” ayon kay Cabotaje sa Laging Handa briefing.

Ayon kay Cabotaje,may isinumite ang DOH na “demand forecast” na 34 milyon doses.

“Ito ‘yung parang pang palit, ‘yung nag-expire na at saka ‘yung pwede pa [at] mga pa-expire, which includes brands such as Sinovac, AstraZeneca, and Pfizer,” giit ni Cabotaje.


Tiniyak naman umano ng COVAx base sa natanggap nilang komunikasyon na papalitan ang lahat nang mai-expired na vaccines kahit na hindi yung mga galing sa kanila.

Gayunman,ikinukunsidera yung ilang vaccines na binili ng national government at maging ng mga pribading sektor at mga Local Government Units(LGUs).


Samantala,sinabi ni Cabotaje na.mahigit sa 73.7 milyon ang nabakunahan ng hanggang 1 dose,habang 69.1 milyonnna ang kumpleting nabakunahan laban sa COVID 19.

Nasa may 200,000 indibiduwal ang nababakunahan kasa araw.


Nabatid na may 36,000 frontline healthcare workers at 83,000 senior citizens ,ang nakatanggap na ng kanilang second booster dose. (Anthony Quindoy)

Tags: Health Undersecretary Myrna Cabotaje

You May Also Like