2 MILLION EKTARYANG SAKAHAN, AABUTIN NG LIBRENG IRIGASYON

NASA mahigit dalawang milyong ektaryang lupain o sakahan ang aabutin ng libreng patubig ng gobyerno bunsod ng mga nakalatag na proyekto ng National Irrigation Administration.

Sa kabuuan, aabot na sa mahigit dalawang milyong ektaryang lupain ang kabilang na sa irrigation project ng bansa o katumbas ito ng 64.28% na irrigation development na isinusulong ng gobyerno sa ilalim ng NIA.


Ito ay matapos naisabatas simula noong 2018 ang Free Irrigation Service Act o Republic Act No.

Samantala, sinabi naman ni NIA Administrator Ricardo Visayas na mula 2016 hanggang 2021 ay may karagdagang 300,000 ektarya o 7.95% na nadagdag sa mga napapatubigang lupain ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Adm. Visaya , isa ang libreng patubig sa mga sakahan ang iiwan ng administrasyong Duterte.


Kinumpirma ni Department of Agriculture o DA Assistant Secretary Spokesperson Noel Reyes ang pahayag ni Gen Visaya na malawak na ang kanilang napatubigan.

Sinasabing , aabot na sa 1.33 milyon na mga magsasaka ang nakikinabang sa irigasyon ng gobyerno.


Aniya, katumbas ito ng 1.1 milyong ektarya ng lupang agrikultural na napatubigan. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: National Irrigation Administration

You May Also Like