Latest News

2 MATAAS NA CPP-NPA LEADERS, HULI

By: Victor Baldemor Ruiz

DALAWANG mataas na Communist Party of the Philippine -New People’s Army leaders ang nadakip sa inilatag na Joint PNP-AFP Checkpoint sa Oriental Mindoro.

Sa ulat na ipinarating kay Army Commanding General Lt. Gen Roy Galido, naglatag ng joint checkpoint ang Philippine Army 2nd Infantry Division’s (2ID) at Philippine National Police na nagresulta sa pagkakasabat sa dalawang NPA terrorist NPA na pinaniniwalaang kasapi ng Southern Tagalog Regional Party Committee sa bayan ng Bulalacao, sa Oriental Mindoro.

Bago ang paglalatag ng checkpoint ay nakasagupa ng tropa ng pamahalaan ang isang pulutong ng Communist Terrorist Group (CTG) sa bayan ng Mansalay dahil sa sumbong ng mga residente, kaya nagtatag ng choke point ang mga tauhan ng 4th Infantry Battalion (4IB) at Police Regional Office 4B sa Sitio Banti sa Barangay San Roque kung saan nasabat ang dalawang armadong indibidwal.


Kinilala ang mga nasakote na sina alias Ems, deputy secretary ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) at Kagawaran ng Rehiyon sa Edukasyon (KARED), at isang alias Patrick, regional staff ng KARED sa Edukasyon at dating platoon leader ng terrorist NPA group na kumikilos sa MIMAROPA region.

Nakuha umano sa pag-iingat ng mga suspek ang isang caliber 38 pistol, isang M203 grenade launcher, hand grenade at IED components.


Pinasalamatan naman ni 2ID Commander, Maj. Gen. Roberto Capulong ang mga local na residente sa mabilis na pagbibigay ng impormasyon hinggil sa presensya ng mga rebelde.

Muling hinikayat ni Maj. Gen. Capulong ang mga nalalabing NPA na magsuko na ng sandata at tanggapin ang inaalok na pagbabagong-buhay ng gobyerno dahil seryoso umano ang AFP na durugin ang nalalabing puwersa ng CPP-NPA sa lalong madaling panahon.


Tags: New People's Army

You May Also Like

Most Read