Latest News

2 MANGINGISDA PATAY, 7 PA PINAGHAHANAP

By: Victor Baldemor Ruiz

PATULOY ang ginagawang search and rescue operation ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa pitong pang nawawalang mangingisda na sakay ng nasirang fishing vessel sa bahagi ng dagat sakop ng Southern Mindanao .

Samantala na retrieve na ng mga awtoridad ang bangkay ng dalawang kasamahang mangingisda ng lumubog ang kanilang Bangka matapos na pasukin ng tubig Huwebes ng madaling araw..

Habang nasagip naman ang labing apat na iba pa na kabilang sa 23 tripulante ng fishing vessel na Genesis 2 nang madaanan at makita sila ng mga dumadaang fishing boat ,


Nakita ang unang bangkay malapit sa kanilang half submerged vessel, habang Biyernes na ng umaga ng makita ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard na naka base sa Davao Oriental ang isa pa.

“We’re still looking for seven (people),”ayon kay Dandy Orcales ng PCG.


Tumutulong na rin umano ang lima pang fishing vessel mula sa kanilang kumpanya na nakabase sa General Santos City.


Tags: Philippine Coast Guard

You May Also Like

Most Read