ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 3 ang dalawang mandurukot matapos na “mahuli-cam” ang ginawang pagdukot sa cellphone ng isang 15-anyos na estudyante sa Quiapo,Maynila.
Dinala sa istasyon ng MPD-PS 3 ang mga suspek na sina Ritchie Martinez at Valentino Tuli,kapwa nasa hustong edad.
Sa.reklamo ng biktimang si Jojo,di tunay na pangalan, naglalakad siya nang hindi maramdaman na nabuksan na ni Martinez ang kanyang backpack at kaagad na naipasa kay Tuli ang kanyang cellphone.
Naramdaman ni Jojo ang ginawang pandurukot ni Martinez kaya kinumpronta ito pero naipasa na kay Tuli ang cellphone.
Kaagad namang nagreklamo sa Plaza Miranda PCP ang biktima at nakita sa CCTV ang pandurukot ng mga suspek kaya kaagad na naaresto ang dalawa.
Nabawi sa mga susupek ang cellphone na may halagang P13,000 na ginagamit ng biktima sa kaniyang online class.
Aminado naman ang mga suspek sa ginawa nilang pandurukot sa biktima at nagsisisi sila sa kanilang ginawa. Umamin din ang mga suspek na sila ang nahagip ng CCTV.
Pinayuhan naman ni LtCol. John Guiagui,station commander ng PS 3, ang publiko na.maging alerto dahil maraming bihasa na.mandurukot ang nakakalat sa lugar. (Carl Angelo)