2 lalaki, todas sa bala sa Maynila

Patay ang dalawang kalalakihan matapos na magkasunod na barilin sa magkahiwalay na lugar, kahapon ng madaling araw sa Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Police District -homicide section, unang binaril ang biktimang si Ruel Yabao,ng No. 177 Pastor Street, Brgy 135, Tondo, Maynila na nasawi dahil sa tama ng bala sa katawan.


Sa imbestigasyon,naganap ang insidente alas- 12:20 ng madaling araw sa panulukan ng Paulino at Nepa Streets sa Brgy 142, Tondo, Maynila.

Sa impormasyong nakuha sa ilang concerned citizens, nakarinig sila ng dalawang putok ng baril at nang tingnan ay nakita ang duguang biktima.

Sumunod naman na binaril ang biktimang si Ruel Villaruel sa may Dubai Extension sa Baseco Compound sa Brgy 649, Port Area Maynila, alas -2:20 ng madaling araw.


Ayon sa mga saksi , tatlong lalaki na nakasuot ng facemask, sumbrero at nakasakay sa get- away na TokTok,ang bumaril sa biktima.

Inaalam naman ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa mga biktima. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like