Latest News

2 lalaki, arestado sa pamumutol ng kawad ng kuryenteng pag-aari ng Manila City Hall

Dalawang lalaki ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District -Special Mayors Reaction Team (SMaRT) sa ilalim ng pamumuno ni PMajor Edward Samonte, matapos mahuli sa aktong namumutol ng mga kawad ng kuryente na pag -aari ng lokal na pamahalaan ng Maynila kamakalawa ng gabi sa Center Island ng Taft Avenue ,sa pagitan ng Pedro Gil at Malvar Sts., Malate, Maynila.

Nasa kustodiya ng SMaRT ang mga suspek na sina Octhu-Art Culaban ,alyas Alvin,34 , construction workers at taga No. 72 Insurance St., Project 8, Quezon City; at Jeffrey Ocampo, 29 at taga 1628 A. Linao St., Paco, Maynila.

Ayon kay Samonte, alas- 9:40 ng gabi nang makita nila Romeo Sta Ines,50; at Junly Relly,31,kapwa electrician sa Manila City Hall, habang nakasay sa kanilang service vehicle, ang mga suspek sa aktong pinuputol ang mga kawad ng kuryente na nakalagay sa lugar kaya’t kaagad na sinita ang mga ito at dinala sa SMaRT.

Nasamsam sa mga suspek ang stranded electrical wires na kulay pula na may habang 11 metro at nagkakahalaga ng P770,isa pang stranded electrical wire na may walong metro ang haba na nagkakahalaga ng P560. at isang pliers.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code o theft ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (JERRY S. TAN)

Tags:

You May Also Like

Most Read