2 KOREANO, HULI SA P1-M HALAGA NG KETAMINE

By: JESSE RUIZ

Dalawang Koreano na nagtatrabaho bilang mga POGO worker ang naaresto kasunod ng inilunsad na anti-narcotics operation ng mga ahente Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 3 sa Pampanga.


Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Isagani Nerez, ang buy-bust operation ayikinasa ng mga operatiba ng PDEA ROIII sa Clark Freeport Zone, Pampanga, bago magbukang-liwayway noong Martes, Oktubre 6, 2026.

Ayon sa ulat na natanggap ni PDEA Deputy Dir. Gen for operation Renato Gumban, nakilala ang mg ndakip na banyaga na sina Alyas Jung, lalaki, 38 taong gulang; at Alyas Hyun, lalaki, 31 anyos.

Nabatid na limang buwan at isang taon na sina Jung at Hyun sa bansa at nakasamsam ang mga operating team ng PDEA ng humigit-kumulang 200 gramo ng ketamine na nagkakahalaga ng P1,000,000), isang mobile phone at ang ginamit na marked money sa buy-bust.


Ayon sa PDEA, ang operasyon ay nag-ugat sa tip ng isang confidential informant.

Ang mga nakumpiskang substance ay isinumite sa PDEA Region 3 Laboratory para sa forensic examination at confirmation.




Ang operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng magkasanib na pagsisikap ng PDEA Region 3 Special Enforcement Team (RSET), PDEA Pampanga Provincial Office at ng Mabalacat City Police Station.

Ang mga naarestong suspek na kapawa nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Pagbebenta ng Mapanganib na Droga), kaugnay ng Section 26(B) (Conspiracy to Sell), Article II, ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ay kapwa pansamantalang naka-detine sa jail facility ng PDEA R3 sa San Fernando City sa Pampanga.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 3

You May Also Like

Most Read