Latest News

2 KILO NG SHABU, HULI SA BUY BUST OPS

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINATAYANG nasa dalawang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na umaabot sa P13.6 million ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) sa ikinasang anti-narcotics operation sa Zamboanga City.

Ayon kay PDEG. Director PBGen. Eleazar Matta, nakumpiska ang iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Barangay San Jose Gusu, ng nasabing siyudad.

Naniniwala si Gen Matta na malaking kawalan sa merkado ang nasabat nilang droga at pagkakadakip sa itinuturing na ‘big time drug personality’ na responsable sa pagpapalaganap ng illegal drug trade sa lungsod at mga kalapit- bayan.


Kasalukuyang nasa Zamboanga City Police Office Station 11 custodial facility ang suspek para sa temporary detention at para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.


Tags: Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG)

You May Also Like

Most Read