Patay na nang matagpuan ang dalawang lalaki matapos na ang isa ay magbigti at ang isa naman ay tumalon sa Pasig River, kamakalawa ng umaga sa magkahiwalay na lugar sa Tondo at Pandacan sa Maynila.
Unang natagpuangnakabigti si Jaxeer Philip Julian,35, ng 417 P.Ortega St.Tondo ,gamit ang sintas ng sapatos alas-6:30 ng umaga sa kuwarto ng kanyang ina na si Josephine.
Ayon sa ina ng biktima, mula nang mawalan ng trabaho ang kanyang anak noong nakalipas na buwan ay na-depress na ito at naging malulungkutin.
Samantala,lumutang naman sa Pasig River sa may Commanders Wharf,Baseco,Compound ang bangkay ng biktimang si Marlon Palero, Jr,18, ng 2346.Florante St. Pandacan.
Ayon sa kanyang ama, problema umano sa ‘lovelife’ ang dahilan ng ginawang pagtalon ng biktima sa Mabini bridge Nagtahan noong Nobyembre 12 ng alas-6:30 ng gabi.
Inireport na umano nila sa Philippine Coast Guard ang pagkawala ng biktima .
Kapwa tumanggi ang mga kaanak ng dalawang biktima na pa-imbestigahan ang pagkamatay ng kaanak sa paniniwalang walang foul play na naganap.