Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang diumano’y killers ng isang 84-anyos na matanda dahil sa ginawang paggamit ng dalawang kasambahay nito sa ATM card ng biktima.
Nabatid na nagturuan pa ang mga suspek na sina Rovielyn Canete ar Julianne Navarro, kapwa kasambahay ng biktimang si Noemi Dacuycuy, taga-BF Homes Las Piñas na pinaslang noong Mayo 4.
Nalaman na Ang biktima ay tatlong beses na pinalo sa ulo ng matigas na bagay at Saka sinakal Hanggang sa mamatay.
Nakita sa CCTV na nagwi-withraw ang dalawa sa ATM machine gamit ang card ng biktima dahilan para maghinala ang mga kaanak ng biktima.
Sanhi ng naturang ebidensiya inimbita ng NBI Ang dalawa para sa reenactment ng krimen sa Bahay ng biktima.
Sa imbestigasyon , nagturuan pa ang dalawa kung sino ang nasa likod ng krimen.
Tinangka pa ng dalawa na i-set up Ang Isa pang kasambahay sa pamamagitan ng paggamit ng cellphone ng biktima para palabasin na ito ang pumatay sa matanda.