Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 4 ang dalawang Barangay Kagawad at kapatid ng isa sa kanila, sa isang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc,Maynila.
Nasa kustodiya ng MPD-Police Station 4 ang mga suspek na sina Virgilio Diasanta, Jr. y Mañebo, 41 , Barangay Kagawad ng Brgy. 537 Zone 53 at residente ng no. 1008 Matimyas St., Brgy. 537 Zone 53, Sampaloc, Maynila; at Allan Salumbre y Magallanes, 39 , Barangay Kagawad rin , ng Brgy. 537 Zone 53 at taga no. 1057 Sta. Cruz St. Brgy. 537 Zone 53, Sampaloc; at kapatid nitong si Albert Salumbre y Magallanes ,na nasa watchlis umano, mekaniko ,37 at residente ng 952 Cebu St., Sampaloc.
Ayon kay PMaj Val Valencia ng MPD-PS 4, alas-10:30 ng gabi sa harap ng bahay sa
1057 Sta. Cruz St. corner Batanes St., Sampaloc naaresto ang tatlong suspek.
Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang magkaabutan ng shabu at marked money ay inaresto ang mga suspek.
Nasamsam sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu na tumimbang ng walong gramo at may street value na P54,400 at P500 marked money.
Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutors Office ang mga suspek. (Arsenio Tan)














