Latest News

2 illegal recruiters, di pinagpiyansa ng korte

WALANG inirekomendang piyansa ang Manila Regional Trial Court, Branch 34 para sa pansamantalang kalayaan ng dalawang illegal recruiters na una nang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District(MPD).

Isinilbi sa Manila City Jail ang warrant of arrest laban sa mga suapek na sina Evelyn Tolentino,alyas Evelyn Miguel at Julio Angeles, dahil sa kasong paglabag sa RA 804 na inamiyendahan ng RA10022.

Ala- 1:30 ng hapon nang isilbi ng MPD-PS 12 ang warrant of arrest laban sa mga suspek na inisyu ni Judge Liwliwa Hidalgo-Bucu na may petsang Marso 9, 2022.


Ang mga akusado ay inaresto matapos na ireklamo ng mga aplikante na iligal nilang ni-rercuit para makapagtrabaho sa abroad at hindi na umalis pa ng bansa. (Carl Angelo)

Tags: ,

You May Also Like

Most Read