2 HVI Drug Suspects, huli; may P3-M halaga ng shabu, nasamsam

By: Victor Baldemor Ruiz

Nasilat ang 2 High Value Individual (HVI) drug suspects sa tuloy-tuloy na operasyon kontra droga at nasamsam sa kanila ang humigit-kumulang na P3-milyong pisong halaga ng shabu sa isinagawang pinagsanib na buy-bust operastioon ng Quezon PPO, Lucena PNP, PDEA-Quezon, QPDEU, Quezon Maritime, CIDG, at RIU 4A , 6:54 ng gabi, Agosto 15, 2023, sa Purok damayan 1, Brgy ibabang Iyam, Lucena City.

Ayon kay Provincial Director, PCOL Ledon Monte, kinilala ang mga naarestong suspek na si Angelo Tongo at Judel Gutlay, kapwa High Value Individual (HVI) Drug Suspects matapos ang ikinasang transakyon sa pagitan nila at ng isang operatibang nagpanggap na buyer.

Kumpiskado naman sa kanilang pag-iingat ang 13 piraso ng heat-sealed transparent sachet na may humigit-kumulang na timbang na 196 gramo na may katumbas na DDB value P1,332,800 at street value na P3,998,400 kasama ang isang unit ng motor at boodle money.


Sina Angelo at Judel ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Lucena City Police Station upang sumailalim sa proseso ng dokumentasyon para sa isasampang kasong violation of RA 9165.

“Tahasan nating ipinagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan sa pamayanan upang putulin ang implikasyon ng Ilegal na Droga. Ang bawat resulta ng ating operasyon ay salamin ng ating malawakang kampanya para sa pamayanang ligtas, payapa at malayo sa bahid ng anumang maling gawa.” ani ni PCOL Monte.

Tags: CIDG, Lucena PNP, PDEA Quezon, QPDEU, Quezon Maritime, Quezon PPO

You May Also Like

Most Read