Arestado ng mga tauhan ng Lawton Police Community Precinct ang dalawang magpinsan na holdaper na nangholdap sa tatlong pasahero sa ibabaw ng McArthur Bridge, kahapon ng umaga sa Maynila.
Naaresto sa bahay ng kinakasama ng suspek na sina Andy Ayuso Y Bassig 35 at June Braga Y Ayuso ,29 ,pawang taga 1652 Saturno Street, Paco, Maynila sa Zobel Roxas, Barangay 783, San Andres, Maynila.
Ayon sa reklamo,nila Mark John Olito,26, restaurant server;Jerwin Riños , 21, working student at taga Maxine Opalic,18 nakasakay ang mga biktima sa isang pampasaherong jeeepney papuntang Monumento nang pagsapit sa Mc Arrhur Beidge ay nagdeklara ng holdap at kinuha ang mga cellphone ng biktima.
Kaagad na nagreklamo ang mga biktima sa Lawton PCP at matapos ang follow up operation ay naaresto ang magpinsan na holdaper.
Positibo naman kinilala ng mga biktima ang magpinsan na siyang nangholdap sa kanila.
Nakuha sa mga suspek ang 2 unit ng caliber 38 at mga bala , gayundin ang dalawang cellphone.
Sinampahan ng kasong paglabag Art. 294 ng RPC at R.A. 10591 ang mga suspek sa Manila City Prosecutors Office ang mga suspek.














