2 HIGH VALUE INDIVIDUAL DRUG SUSPECTS ARESTADO, P3.2 MILLION HALAGA NG ILEGAL NA DROGA KUMPISKADO

By: Victor Baldemor Ruiz

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine National Police ang dalawang itinuturing na high value target sa kalakalan ng droga sa isinagawang anti narcotics operation kamakalawa ng gabi sa Lucena City.

Nasamsam ng mga tauhan ng PNP-Quezon ang humigit kumulang sa P3.2 Milyong pisong halaga ng shabu sa dalawang high value individual na nadakip sa Purok Ilang-Ilang 1, Brgy. Silangang Mayao, Lucena City.


Sa ibinahagi ulat ni Quezon Police Provincial Director, PCOL LEDON D MONTE ay kinilala ang mga drug suspect na sina Christian Magtaas Enverga @ “Mayor”, 43 taong gulang, ng Brgy Silangang Mayao at Antonio Ruel San Vicente @ “Ton ton”, 40 taong gulang, residente ng Brgy Domoit, Lucena City.

Napag alaman na kapwa may mga dating drug cases na ang dalawa bago pa sila muling nadakip ng [inag sanib na puwersa ng Lucena CPS, QPPO- PDEU, PDEA-Quezon, Quezon Maritime, CIDG-Quezon at RIU PIT Quezon na pinangasiwaan ni PLTCOL BEN BALLERA JR, Hepe ng nasabing istasyon ng pulis.

Kumpiskado sa kanilang pag-iingat ang 13 piraso ng heat-sealed transparent sachets na may humigit-kumulang na timbang na 159.06 gramo na may DDB value PHP 1,081,608.00 at street value na PHP 3,244,824.00.


“Ito ay bunga ng pinaigting nating kampanya kontra ilegal na droga para sa nalalapit na BSKE 2023 upang masigurado natin na ang pinansyal na bunga ng ilegal na droga ay hindi magamit para maimpluwensyahan ang mga botante at resulta ng halalan” Ani ni PCOL MONTE.


Tags: Philippine National Police

You May Also Like

Most Read