ARESTADO ang dalawang high-ranking City Most Wanted Person ng Iriga City sa dalawang magkasunod na operasyon ng Iriga City Police Station.
Unang dinampot ng PNP Iriga sa pangunguna ni PLTCol Carl Joseph B Jaucian, OIC ang tinagurian nitong rank 1 city municipal most wanted para sa kasong paglabag sa RA 9165.
Ito ay kinilalang si Bon Jovi residente ng Z-4, Del Rosario, Banao, Iriga City. Sumunod na andakip sa manhunt operation ng naturang himpilan ang rank 8 most wanted person nito na itinago sa pangalang Jay Paul, residente ng Zone 5, San Antonio, Iriga City. Ito ay may nakabinbin na kasong RA 10883 o ang New Anti-Carnapping law of the Phippines ng may kaukulang piyansa na P300,000.00.
Pinuri naman ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 ang ipinakitang determinasyon at pagpupursige ng mga operatiba na nagresulta sa pagkakahuli sa dalawang wanted person.
Ang buong himpilan ng PNP Bicol ay hindi titigil hanggat hindi na uubos ang mga nalipanang wanted sa rehiyon. Kaugnay nito pinagtutuunan rin ng pansin ang pagpapalakas sa mga estratehiya kontra kriminalidad para tiyakin ang mas maayos at tahimik na pamayanan.