2 gumagawa ng pekeng ID ng PWD, arestado

By: Jerry S. Tan

Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team(MPD-SMaRT) ang dalawang indibiduwal na sangkot sa pagbebenta sa online na paggawa ng mga pekeng Person with Disability (PWD) identification card ,sa isinagawang entrapment operation, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Nasa kustodiya ng SMaRT ang mga suspek na sina Ralph Lawrence Doblada y Mercado, 21 at residente ng 1501 G. Araneta Street, Jose Abad Santos Avenue, Brgy. 246, Tondo, Maynila at si Lizel Lopez y Sevilla, 46, ng 1656 Antonio Rivera Street, Brgy. 239, Tondo.


Nag-ugat ang operasyon matapos ang sumbong ng Manila Social Welfare Department (MSWD).na pinamumunuan ni Re Fugoso dahil sa paglaganap ng mga pekeng PWD IDs na isinusumite sa kanilang tanggapan na binibili umano sa online.

Inalok umano ang pekeng PWD ID ng Isang Lawrence Mercado sa halagang P1,500 sa may Narra StreetTondo.

Nagsagawa umano ng test-buy ang Isang pulis sa SMaRT at nang makumpirma ay ikinasa ang entrapment operation.


Nakumpiska ng mga pulis ang 190 piraso ng PWD IDs na wala pang pangalan at Isang ID para kay Andrei Cervantes.

Ayon kay PMajor Edward Samonte, hepe ng SMaRT, sinampahan ng kasong paglabag sa Article 172 (Falsification by Private Individuals and Use of Falsified Documents) at Article 176 (Manufacturing and Possession of Instruments or Implements for Falsification) sa Manila Prosecutors Office ang mga suspek.


Tags: Manila Police District -Special Mayor's Reaction Team(MPD-SMaRT)

You May Also Like