2 ESTUDYANTE AT 3 PA, ARESTADO SA PAGKUYOG NG KAPWA ESTUDYANTE

Arestado ang limang katao, kabilang ang dalawang estudyante, matapos kuyugin ang isang 19-anyos na estudyante ,kamakalawa ng hatinggabi sa Sta.Ana, Maynila.

Kabilang sa mga inaresto nina PCpl Glenn Caslangen at PCpl Gerson Dela Peña ng Dagonoy- PCP sina Patrick James Evangelista, 22, estudyante; Aljun Evangelista ,20,estudyanye at kapwa residente ng No. 228 J.P. Rizal St., Brgy. Tejeros, Makati City; at tatlong di pa nakikilalang kalalakihan.


Dinala naman sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Emmanuel Bondad, 19,at taga No. Block 14 Lot 10, Hachi St., Sta. Rosa Hills Subd., Puting Kahoy, Silang, Cavite.

Naganap umano ang insidente sa may Tejeron Street corner Dela Rosa Street sa Sta. Ana, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya,kumain umano ang biktima sa may Antipolo Street at pagkatapos kumain ay sumakay na ang biktima sa tàbi ng driver.


Pagsapit sa nabanggit na lugar ay hinarang sila ng tatlong motorsiklo at bumaba ang mga suspek at sapilitang binuksan ang pintuan ng kotse kung saan nakasakay ang biktima at saka pinagtulungan itong saktan.

Nagkataon naman na nagpa-patrulya sina Caslangen at nakita ang komosyon at inaresto ang mga suspek.


Sinampahan ng kasong frustrated homicide ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (Philip Reyes)


Tags: Dagonoy- PCP

You May Also Like