Latest News

2 ENVIRONMENTAL ACTIVIST, BUMALIGTAD SA PRESSCON NG NTF-ELCAC

By: Victor Baldemor Ruiz

Nagulantang ang mga awtoridad ng biglang bumaligtad ang dalawang environment activist na sinasabing sumuko ng bigla nilang inihayag na sila ay dinukot ng militar at napuwersang pumirma ng affidavits

Mismong mga tauhan ng pamahalaan ang nagharap kina environmental activist Jonila Castro at Jhed Tamano sa press conference na inorganisa mismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Plaridel, Bulacan.

Sina Jonila Castro at Jhed Tamano ay iniharap sa press conference na ipinatawag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para sana magbigay linaw na hindi sila dinukot at sa halip ay patunayang sumuko sila para makakalas sa makakaliwang hanay.


Subalit kabaligtaran ang nangyari dahil ang naging pahayag ni castro ay :

“Ang totoo po ay dinukot kami ng mga militar sakay ng van. Napilitan din kami na sumurrender dahil pinagbantaan yung buhay namin. ‘Yun po ang totoo,” ani Castro nh AKAP Ka Manila Bay isang grupo na tumututol at nagpapatigil sa mga reclamation project sa Manila Bay.

Samantala inihayag naman ni Tamano coordinator ng Ecumenical Bishops Forum na naglalakad sila ni Castro ng bigla silang hablutin.

“May tumigil pong SUV sa harap namin tapos dinukot po kami. Pinilit kami pasamahin sa kanila,” . “Yun din po yung totoo. Akala po namin sindikato pero kilala po nila kami.”


Nitong nakalipas na linggo ay ideneklara ng NTF-ELCAC at ng PNP nd sa ginawang pulong balitaan sa National Press Club na sins Castro at Tamano ay kusang sumuko sa had Philippine Army’s 70th Infantry Battalion sa Bulacan.

Pumirma din umano ang dalawa sa kanilang kustodiya dahil nagpadya na silang kumalas sa communist movement” na pinagdudahan at pinasinungalingan ng mga militanteng grupo.

“Hindi rin namin ginusto na mapunta kami sa kustodiya ng mga militar. Hindi rin totoo yung laman ng affidavit dahil ginawa yon, pinirmahan yun sa loob ng kampo ng militar. Wala na kaming magagawa sa mga pagkakataon na yun,” ani Castro

Tasahang namang itinagi Lt. Col. Ronnel Dela Cruz, commander 70th IB ang nasabing akusadyon.


“Ang pinanghahawakan po namin ngayon kasi pumirma po sila ng kustodiya,” aniDela Cruz.

Tags:

You May Also Like

Most Read