Latest News

2 DRUG PERSONALITIES HULI, P1.4- M HALAGA NG DAMO, NASAMSAM

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINATAYANG aabot sa mahigit P.14 million ang halaga ng pinatuyong marijuana na nakumpiska sa dalawang drug personalities kasunod ng ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakalipas na linggo sa Brgy. Poblacion, Aguila, Pangasinan.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, isang buy-bust operation ang inilatag ng kanyang mga tauhan mula sa PDEA Regional Office 2.

Sa isinagawang anti-narcotics operation katuwang ang PDEA RO IV-A, RSET kasama ang PDEA Pangasinan PO, matagumpay na naaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina Donato Daguasi Abideo, 19, ng Nalusbo, Kayapa, Bakun, Benguet at Vernie Daguasi Abideo, 26, ng Nalusbo, Kayapa, Bakun, Benguet.


Narekober sa dalawang suspek ang 12 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,400,000, isang Russian machine at ang ginamit na boodle money.

Sa report ng mga operatiba kay PDEA DG Lazo, kasalukuyang nasa kanilang kustodiya ang dalawang suspek kaugnay sa isinasagawang follow-up operation habang inihahanda ang kasong paglabag ng Seksyon 5 Art. II ng RA comprehensive dangerous drug act of 2002 laban sa mga suspek.


Tags: PDEA Director General Moro Virgilio Lazo

You May Also Like

Most Read