2 CPP-NPA, MAGSASAGAWA NG PANGINGIKIL SA MGA PULITIKO, PATAY, ISA ARESTADO

By: Victor Baldemor Ruiz

Dalawang hinihinalang miyembro ng communist New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkwentro nang makasagupa nila ang rumespondeng militar sa Barangay Libertad, Cawayan, Masbate noong Biyernes Santo, Abril 18, 2025.

Ayon sa ulat ng 2nd Infantry Battalion, nasa 12 rebelde ang kanilang nakasagupa na tumagal ng ilang minuto at ikinasugat din ng isang sundalo. Isa pang rebelde ang naaresto at umaming may balak silang mangikil sa mga lokal na kandidato.

Nabawi din ng mga awtoridad ang dalawang baril, tatlong anti-personnel mines at mga dokumento ng grupo.


Tags: New People’s Army (NPA)

You May Also Like

Most Read