IPINAG-UTOS kahapon ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsibak sa puwesto sa dalawa nilang tauhan na nakatalaga sa Binangonan, Rizal kasunod ng trahedyang naganap kamakalawa sa paglubog ng isang passenger banca na ikinasawi ng 26 katao.
Ayon kay Philippine Coast Guard Commandant Artemio Abu kasabay ng isinasagawang imbestigasyon ay inutos niya ang pag relieve sa dalawang tauhan na naka-assigned sa Binangonan port.
Sinabi rin ni PCG Spokesperson Rear Admiral na maglulunsad sila ng imbestigasyon hinggil sa insidente kasama ang Philippine National Police kaugnay sa nangyaring paglubog ng “Aya Express” at kasama din sa sisiyasatin ang kanilang mga tauhan.
Paliwanag ng PCG sa kanilang initial report , pinayagang maglayag ang nasabing motorbanca dahil wala namang nakataas na tropical cyclone wind signal sa area.
Sumisigaw naman ng hustisya ang mga kaanak ng mga nasawi sa tumaob na bangka sa Rizal.
“On the part ng Philippine Coast Guard, tayo ay mag-iimbestiga rin at titingnan natin kung may pagkukulang na nagawa ‘yung mga tauhan natin,” pahayag ni Balilo sa isang pulong balitaan.
“Tuloy ang investigation na ginagawa natin sa Talim Island at makakaasa tayo na hindi natin ito-tolerate kung may pagkakamali po ang personnel ng Philippine Coast Guard,” dagdag pa ng opisyal.
Sinasabing umamin din ang ang Kapitan ng banca na talagang inoverload niya ang banca at hindi pinagsuot ang life jacket.”Titingnan natin kung ano ang kalalabasan ng imbestigasyon at base sa mga dapat gawin ay gagawa tayo ng kaukulang aksyon.”
Sa inisyal na ulat bandang alas una kamakalawa ng hapon ng tamaan ng malalakas na hangin ang MB Aya Express, dahilan para tumagilid ito may 50 metro lamang ang layo mula sa Barangay Kalinawan.
May nagsabing nagpanic ang ilang pasahero at nagkasabay sabay na nagtakbuhan sa isang side ng banca kaya tumagilid ito hanggang sa tuluyang pasukin ng tubig at tumaob.
Subalit sa paunang ulat may 40 seating capacity lamang ang lamang ang motor banca subalit nagsakay ito ng 60 pasahero kung saan 22 lamang ang nakatala sa manifesto.
Samantala naglunsad naman ng rescue mission ang PCG para sa apat na miyembro ng rescue team nito na sakay ng aluminum boat na lumubog sa karagatan ng Abulug, Cagayan.
Ang apat na PCG rescuer ay dapat na magsasagawa ng rescue mission na may 21 nautical miles mula sa Aparri matapos makatanggap ng distress call mula sa mga crew.
Nangyari ang insidente habang tumatama pa ang bagyong ‘Egay’ sa loob ng area of responsibility ng bansa kung saan isa sa mga pangunahing apektadong lugar ay ang hilagang bahagi ng Luzon.
Sinasabing nakaharap umano ang aluminum boat ng PCG ng malakas na hangin at malakas na alon, na naging dahilan ng insidente.
Isinagawa ang unang wave ng search and rescue mission noong Huwebes ng umaga ngunit kinailangan itong ipagpatuloy dahil sa masamang kondisyon ng panahon.
Sinabi ng PCG na magpapadala sila ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) helicopter sa lugar para tumulong sa isinasagawang search and rescue operation.