2 Chinese, arestado sa MPD

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga tauhan ng Manila.Police District District Tactical Motorized Unit (DTMU) ang dalawang Chinese national dahil umano sa pagmamanehonang walang lisensiya at pagdadala ng mga armas, kamakalawa ng gabi sa Adriatico corner Remedios Streets sa Malate, Maynila.

Nasa kustodiya ng DMTU ang mga suspek na sina Fuwen Wu, 35 at Liu Yan, 27, kapwa customer service at naninirahan sa U-2215 22F City Land 10 Tower 2, 154 H.V Dela Costa corner Valero St., Bel-Air, Makati City.


Nasita ang dalawa alas- 11:40 ng hatinggabi sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nagsasagawa umano ng routine patrol sina PSMS Reynaldo P Cordova at PSSg Joven G Miguelhe nang makita ang Sedan Audi na kulay asul na may plate number TOV 875 na nakaharang sa kalsada kaya sinita nila ang mga sakay nito.

Sa isinagawang beripikasyon,nalaman na walang lisensiya si Wu at nang maghalughog sa sasakyan ay narekober ang isang pocket knifet at isang Glock, Gen. 3 na may serial nr. AGGR946 at magazine na may kargang siyam na bala.


Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 4136 (Driving without License) at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District- District Tactical Motorized Unit (DTMU)

You May Also Like