Kalaboso ang dalawang karnaper na tumangay ng motorsiklo ng isang foreman ng Department of Public Works and Highway (DPWH) habang nakaparada ito sa loob ng construction site ng flood control Pumping station ng DSWD noong Agosto 21 sa Sta.Teresita Street, Sampaloc, Maynila.
Naka-detine sa Manila Police District-Police Station 14 ang mga suspek na sina Adonis Escaros, 25 ,construction worker at taga 1342 Lardizabal St., Sampaloc, Maynila; at Mark Anthony Gonzales, 28, ng 2708 Legarda St., Sampaloc, at kapwa miyembro ng Bahala na Gang.
Sa reklamo ng biktimang si Ruel Maputol, 40, foreman at taga Legarda St., Sampaloc, naganao ang insidente alas-3:30 ng madaling araw noong Agosto 21 sa nabanggit na lugar kung saan nakaparada ang Yamaha Mio motorcycle.ng biktima.
Nabawi naman nila PCpl Elodio L Hufana at PCpl Ronnel L Aculana ang nasabing motorsiklo.
Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10883 (An Act Providing for a New Anti-Carnapping Law of the Philippines),ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office.