Inalis sa kanilang puwesto ang dalawang senior officials ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagkawala ng inmates na natagpuan sa loob ng septic tank at kaugnay na rin sa criminal activities sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).
Kabilang sa tinanggal sa puwesto sina Deputy Director General for Administration Gerald Aro at Deputy Director for Operations at Head Executive Assistant Angelina Bautista.
Ginawa ang pagtanggal sa dalawa matapos ang isinagawang hearing ng House Committee on Public Order and Safety na nakatuon sa pasilidad ng BuCor, partikular na sa overcrowded na pasilidad ng NBP.
Sinabi ni BuCor chief, Gregorio Catapang, Jr. na ito ay upang makatiyak na magkakaroon ng parehas na imbestigasyon.
Samantala, sinisimulan na ng forensic anthropologists na kinuha ng BuCor ang eksaminasyon sa nakuhang labi sa septic tank.