Lumutang na ang bangkay ng isa sa dalawang binatilyo nalunod nang aksidenteng madulas sa tinuntungan “river craft” noong Miyerkoles ng hapon sa Pasig river sakop ng Punta, Sta. Ana, Maynila.
Alas 4:55 ng hapon nitong Hunyo 2 nang lumutang ang bangkay ni Rey Napoles,12,Grade 6 student at taga 2002 Lansonez St.Kahilum II,Pandacan,Maynila sa Pasig River sa likod ng Manila Police District-Police.station 6.
Habang patuloy naman ang paghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kasama ni Napoles na si Ivan Christian Borja.
Sa imbestigasyon ni PCMS Joseph Kabigting,ng MPD-homicide section,noong Hunyo ng hapon ay nakita sa lugar ang magkaibigan,sinawaynpa ang mga ito ng ama ni Napoles na umalis sa lugar ,sumunod naman ang dalawa pero muling nagbalik at dito na nadulas at bumagsak sa tubig.
Hindi na lumutang pa ang dalawa hanggang kinabukasan ay nakita palutang lutang sa ilog ang bangkay ni Napoles. (Philip Reyes)














