Latest News

2 bebot, niratrat ; 1 patay, 1 sugatan

Patay ang isang babae habang sugatan ang kasama nitong babae matapos na pagbabarilin ng nag-isang suspek ,kamakalawa ng hapon sa loob ng Manila North Cemetery (MNC) sa 29th St., Sta. Cruz, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Marivic Quisoy alyas ‘Bechay’, 33, ng No. 78 Maria Clara St., .Banawe,Quezon City, dahil sa tama ng bala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.


Isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang isa pang biktima na si Judy Ann Francisco,28,waitress at naninirahan sa loob ng MNC. Siya ay inoobserbahan pa sa ngayon ng mga doktor dahil sa tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ni PCpl Sir Christian Joseph Pineda ng Manila Police District-homicide section,naganap ang insidente alas- 2:10 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Nakaupo umano sa gutter ng kalsada ang mga biktima nang dumating ang suspek at kaagad na pinagbabaril si Quisoykung saan tinamaan rin si Francisco.


Kaagad na nasawi si Quisoy habang isinugod si Francisco sa pagamutan.

Nabatid na naglakad lamang patakas ang biktima sa direksiyon ng Tagaytay St.,Caloocan City matapos ang pamamaril.


Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like