Latest News

2 BABAENG TULAK, ARESTADO

NADAKIP ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang babaeng drug personalities matapos ang ikinasang anti-narcotics operation sa lalawigan ng Tarlac kamakalawa ng gabi.

Arestado sa drug buy-bust operation sina Teresita Adriano Adiol, 50-anyos at residente ng Brgy. Matatalahib, Sitio Centro, Tarlac City; at Corazon Mata Adriano,35 taong gulang, ng Brgy. Matatalaib, Sitio Centro, Tarlac City.

Dinampot ng mga awtoridad ang dalawang suspek matapos magbenta ng humigit-kumulang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P345,000 noong Linggo ng gabi.


Ayon sa natangap na ulat ni PDEA Director General Wilkins M. Villanueva, kapwa positibong sangkot sa drug trade ang dalawa, bunsod ng intelligence at surveillance operation na inilatag ng mga awtoridad bago sila naging target ng anti-illegal drug operation.

Nakuha mula kina Adiol at Adriano ang isang knotted transparent sachet na naglalaman ng 50 grams na nagkakahalaga ng P345,000; isang unit ng analog phone at ang buy-bust money na ginamit ng poseur buyer.

Kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay ng section 26B (conspiracy to sell) ang mga naarestong suspek. (Victor Baldemor)


Tags:

You May Also Like

Most Read