2 arestado ng NBI sa human trafficking, 8 kababaihan nasagip

Nadakip ng mga ahente ng NBI- Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD) ang dalawang indibiduwal sangkot sa human trafficking sa isinagawang operasyon,kamakailan sa Antipolo City.

Habang nasagip naman ng NBI ang walong kababaihan kabilang ang limang menor de edad sa isinagawang operasyon.


Kinilala ang mga naaresto na sina Ronneth Tolentino at Reny Tumbali na naaresto sa isinagawang entrapment operation.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang NBI sa ginagawang pagbubugaw ng mga suspek sa mga nasagip on line sa halagang P5,000 hanggang P10,000 depende sa edad at sa sexual service.

Ikinasa ng NBI-AVAWCD ,ang entrapment operation kung saan nakipag-ugnayan ang NBI sa mga suspek sa pamamagitan ng favebook at nagkasundo na.magkita sa isang fast food sa Marilaque Highway Cogeo, Antipolo noong Setyembre 14.


Kasama ang 8 kabataang babae ,isinakay sa van ipinakita ito sa mga mga poseur-customer at nang magkaabutan ng pera ay dito na inaresto ang mga suspek.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9208 as amended by RA 11862 kilala bilang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2002 sa Department of Justice(DOJ),ang mga suspek. (Jantzen Tan)


Tags: NBI- Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD)

You May Also Like

Most Read