Latest News

2 ARESTADO, APAT PATAY SA VOTE BUYING NA NAUWI SA BARILAN

DALAWANG suspek na tinuturong dawit sa nangyaring shooting incident na kinasasangkutan ng ang supporters ng magkatunggaling mayoral candidates sa Magsingal, Ilocos Sur na nag ugat umano sa vote buying allegations na ikinamatay ng apat katao.

Sa ulat na nakarating kay PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., Task Force NLE 2022 commander, may apat na nasawi sa insidente habang apat din ang sugatan.


Kinilala ang mga dinakip sina Minelio Tolentio Oliver, 38, at barangay tanod na si Eddie Unzo, 37.

Ayon kay Ltgen Danao, . sangkot sa barilan ang mga tagasuporta ng mga kandidatong alkalde sa bayan na sina Lorry Salvador, Jr. and Alrico Favis, ang asawa ng kasalukuyang mayor na si Victoria Ina Favis.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo si Salvador at anim niyang supporters sa bahay ni Barangay Labut chairman Corazon Fuller.


Si Fuller ay kilala umanong ni Favis, tianngka umanong sitahin ni ang barangay captain hinggil sa umano’y nagaganap na vote-buying sa lugar.

Binitbit umano ni Salvador at ng kasama nitong babae si Fuller pero nakawala matapos na makialam ang anak ng kapitan


Sa ulat, sinabing rumesponde ang mga biktima sa Barangay Patong nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa nagaganap na vote buying umano sa lugar.

May salaysay umano ang isang mayoral candidate na nagkatensiyon nang may bodyguard na nakahulog ng baril saka may dumating na armadong grupo, na nauwi kalaunan sa putukan.


Pahayag naman ng kabilang kampo , nang pasukin ng grupo nina Salvador ang bahay ni Fuller ay biglang may umalingawngaw na putok na sinundan ng sunod sunod na putok na ikinamatay ng apat na kasamahan ni Salvador.

Sinabi ng mga pulis na mga tauhan ng tumatakbong vice mayor na si Larry Ceria ang mga biktima, habang dalawang katao pa ang sugatan sa kanilang kampo.

Sugatan din ang dalawa mula sa kampo ng tumatakbong mayor na si Alrico Favis at asawang vice mayoral candidate na si Ina Favis.



Ayon sa inisyal report ng PNP-Police Regional Office 1, sangkot sa shootout ang mga taga suporta ni opposition mayoral candidate Lorry Salvador Jr. at supporters ni mayoral candidate Alrico Favis. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr.

You May Also Like