2-ANYOS, SHOOT SA KUMUKULONG SABAW NG BATCHOY

By: Victor Baldemor Ruiz

PATAY ang dalawang-taong gulang na batang lalaki nang mahulog ito sa loob ng malaking kaldero na may kumukulong sabaw ng batchoy sa Barangay Pantalan, sa bayan ng Carles, na kilala sa kanilang masarap na La Paz Batchoy sa lalawigan ng Iloilo.

Ayon kay Police Lt. Col. Arnel Solis, tagapagsalita ng Police Regional Office 6, kalunos- lunos ang sinapit ng paslit na naglalaro lamang matapos na pansamantalang bitiwan ng kanyang ina.

Lumitaw sa pagsisiyasat na pansamantalang inilapag ng ina ng bata ang kaldero sa lupa dahil may iba pa itong lulutuing putahe.


Hindi umano namalayan ng ina na napunta na ang kanyang anak malapit sa malaking kaldero at aksidenteng napasok dito.

Mabilis ding naitakbo sa pagamutan ang biktima subalit nalagutan din ng hininga habang nilalapatan ng lunas mula sa tinamong fourth degree burns sa buong katawan.


Tags: Police Regional Office 6

You May Also Like

Most Read